Ano Ang Pagkakaiba Ng Direkta Sa Di Direkta?
Ano ang pagkakaiba ng direkta sa di direkta?
Answer:
Direkta o Tuwirang Pahayag
Ang direkta o tuwirang pahayag na kilala bilang "direct speech" sa wikang Ingles ay naglalahad ng eksaktong mensahe o impormasyon na ipinahahayag ng isang tao. Ginagamitan ito ng mga panipi upang ipakita ang buong sinabi ng nagpapahayag.
Di-Direkta o Di-Tuwirang Pahayag
Ang di-direkta o di-tuwirang pahayag na kilala bilang "indirect speech" sa wikang Ingles ay binabanggit muli kung ano ang tinuran o sinabi ng isang tao o ng isang nagpapahayag. Hindi ito ginagamitan ng mga panipi. Madalas ay ginagamitan ito nga mga pang-ukol tulad ng alinsunod sa/kay, batay sa/kay, ayon sa/kay atbp.
Halimbawa:
Direkta
"Ang mga nananalo ay isang nagmimithi na hindi nawawalan ng pag-asa" - Nelson Mandela
Di-Direkta
Sinabii ni Nelson Mandela na ang mga nananalo ay isang nagmithi na hindi nawalan ng pag-asa.
Halimbawa:
Direkta
"Kapag ang mga tao ay may pangarap, determinado siyang lampasan ang mga hamon at pagsubok sa buhay." - Kate Cruz
Di-Direkta
Sinambit ni Kate Cruz na kapag ang isang tao ay may pangarap, determinado siyang lampasan ang mga hamon at pagsubok sa buhay.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link:
#LetsStudy
Comments
Post a Comment