Paano Mo Ilalarawan Si Padre Millon Bilang Isang Guro.
Paano mo ilalarawan si Padre Millon bilang isang guro.
El Filibusterismo
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika
Padre Millon:
Si Padre Millon bilang guro ay nagtuturo ng pisika ngunit ang kanyang tinapos ay pilosopiya at teolohiya. Ngunit dahil sa hilig sa metapisika, siya ay inatasan na magturo ng kemika at pisika. Bilang guro sa isang mahirap na asignatura, siya ay hindi ganun kabihasa. Madalas ay sumusulyap lamang siya sa mga aklat ng kemika at pisika at ituturo ang mga asignatura na ito gamit ang taktika ng pilosopiya. Siya man ay hindi sigurado sa kanyang mga itinuturo at kadalasan ang pagtuturo ay nauuwi sa leksyon ukol sa makamandag na kasarian ng isang guro. Sa mga diskusyon, mahahalata na siya ay may katamaran sapagkat nais niya na siya lamang ang nagtatanong at hindi niya nais na matanong. Kaya naman ikinalulugod niya ang kahinaan ng mga mag aaral at ikinaiinis ang katalinuhan ng mga ito lalo na sa pagtugon sa kanyang mga tanong. Sa mga hindi nakauunawa, ang parusa ay ang pagsaulo ng mga aralin ng walang labis at walang kulang ngunit hindi naman niya ito ipaliliwanag. Sa mga hindi makagagawa ng kanyang mga ipinaguutos, ang mga ito ay tiyak na masisigawan at mamumura pag uugali na hindi dapat taglayin ng isang gurong tulad niya.
Read more on
Comments
Post a Comment